Tuesday, August 9, 2011

TEMPTATIONS: PARE KO 2



Nanghina ng tuluyan si Eric nung nabasa nya ang text ni Francis. Hindi nya alam kung ano ang isasagot, kung sya ba ay magiging masaya para sa kaibigan, o tuluyan ng maglalaho ang pag-asa nya na baka kahit minsan lang ay  pwede silang magmahalan.

“congrats pre, magiging daddy kana ah! :)” ang sagot nyang kasalungat ang tunay na nararamdaman.
“hehe salamat pare! Pero natatakot ako. Talaga bang Masaya ka pre?” tanong ni Francis.
“oo naman, kaya lang mukhang mauuna pa ata ang binyag kesa sa kasal nyo ah?” sabi ni eric.
“malamang pre.. ah talaga Masaya ka.. kala ko kasi….” Reply ni Francis.
“kala mo ano?”
“wala. Ano kaya magandang ipangalan sa magiging anak ko? Bagay siguro ang eric kapag lalake ano pre?” sabi ni Francis.
“loko ka, pag eric ang ipinangalan mo dyan sa anak mo, magiging babe magnet yun!” reply ni eric, na ngayon ay medyo nakalimutan na ang ugat ng pinag simulan ng kanilang pag-uusap, yun ay buntis ang nobya ni francis.
“hahaha natural magiging mana sa ama eh!” sabi ni francis.

Natapos na ang kanilang pag uusap at bumalik sa isip ni eric ang sitwasyon. Ang sitwasyon nyang parang na iinlove sa kaibigan na kailan man ay hinding hindi na magiging kanya. Naluluha sya pero pilit nya iyong pinipigilan dahil hindi daw dapat umiiyak ang isang lalake. At lalake sya. Pero ang pinipintig ng puso nya ay iba. Umiyak nalang sya ng tuluyan ay pinabayaan ang ipit na ipit nyang damdamin na dumaloy sa pamamagitin ng kanyang mga luha.

Habang nakahiga sya sa kama akap ang unan na itinatakip sa mukha at umiiyak, narinig nyang nag ring ang telepono nya – si francis. Tinignan nya lang ang telepono pero hindi nya sinagot. “wala ng dahilan para mag usap pa tayo. Gusto kong manatili tayong mag kaibigan pero hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi ko kaya ang kausapin kapa habang may nararamdaman ako sayo. Hayaan mo munang humilom itong sugat sa dibdib ko” sabi nya habang kinakausap ang nag ri-ring na telepono kasabay ang pumapatak na luha. Desidido si eric na lumayo na kay francis kaya pinigilan nya ang sarili sa pag sagot nito.

“pre, ayos kalang ba dyan?” nag text si francis. Hindi yun sinagot ni eric.
“pre?” text ulit ni francis. At wala paring sagot.
“no calls no text ah, no reply pa! grabe!” text ulit ni francis. At muli, hindi yun sinagot ni eric.
“pre, lunch na?” text ulit ni francis. At hindi rin nireplyan.
“:(” text nya ulit.

Nagpatuloy pa ang mga tawag at pag tetext ni francis kay eric, pati message sa facebook, sa YM. Hindi iyon pinansin ni eric kahit nagsusumigaw na ang feelings na sagutin nya kasi Masaya sya don, pero pinili nyang tumahimik at magi sip ng mga bagay na makakapawi ng lungkot nya. “anu nga ba talaga ako para kay francis? Hindi ko sya maintindihan. May pagtingin kaya din sya sa akin?” pag-iisip ni eric habang naka tunganga sa labas ng bahay na malayo ang tingin, pero wala naman ding tinatanaw.

Nagbihis si eric at nag punta nalang ng basketball court.

“uy pre! Long time no see ah!” sigaw ni Joseph.

Si joseph ay kaibigan ni eric simula high school. Kilalang basketbolista at matinik sa babae. May tangkad syang 6’1”, matipuno, Maputi at grabe ang sex appeal. Idol din nuon ni eric si joseph kasi nga magaling maglaro ng basketball at mabait. Swimmer pa. Idol nya hindi sa sexual na bagay kundi sa kanyang buong katauhan. Natatandaan pa ni eric na nuon, nagpapakitaan sila ng buhok sa kilikili at sa pubic hair, dahil nga sabay sila nagkaron nito. Napangiti nalang si eric sa naalala. Tumango sya kay joseph.

“pre kumusta? Basketball parin ah. May liga ba? Sali ako” sabi ni eric.
“sa makalawa ang umpisa ng liga pre. Naka line up na kami kasi, pero tanungin natin si coach baka pwede pang idagdag ka sa team. Magaling ka naman eh!” sagot ni joseph.
“kaw ba team captain? Tanong ni eric.
“oo.” Sagot nito.
“tinanong ko pa. alangan namang mamili pa ng iba si coach. Haha” sagot ni eric.
“Sali ka, friendly game. Naka ready ka naman eh!” aya ni joseph.
“game”

Nagsuot ng sapatos si eric na kinuha sa dala nyang backpack. Napatingin sya kay joseph na hinuhubad ang sweat shirt na suot nya. Naka jersey shorts lang ito. Tiningnan ni eric si joseph mula ulo hanggang paa at namangha syang lalo sa physical na anyo ng dating kaibigan. Maganda ang hugis ng dibdib ni joseph, pink ang nipples, ang tyan ay sobrang flat at kitangkita ang hugis ng abs nito. Medyo pawisan narin ri joseph nung time nay un. Siguro naka warm-up na. Pagtingin muli ni eric sa mukha ni joseph, nakita nyang kumindat iyon sa kanya habang umiinom ng mineral water. Lumingon agad si eric sa kabilang dulo na wari’y napadaan lang ang pagsulyap nya kay joseph. Naramdaman nyang parang tumitigas ang titi nya at dali dali naman syang nag isip ng ibang bagay—si francis, si francis at ang nararamdaman nya sa kaibigan. Nalungkot bigla si eric at humupa ang pag tayo ng burat nya. “hay salamat” sabi nya sa sarili at tumayo na, naglakad papuntang court na medyo umiwas ng konti kay joseph.

“game!” sigaw ng referee at naglaro na ang mga kalahok. Mga kakilala din naman ni eric ang mga kateam at kalaban nila kaya naging Masaya ang umpisa ng kanilang laro. Maraming naipuntos si joseph as usual pero dikit ang labanan nila. Malapit na matapos ang laro, 47-48 ang score lamang ang team nila joseph at eric, nang nagpatawag ng time out ang coach nila. Naunang nagtungo dun si eric, inilapit nila ang mga ulo sa game board habang nag dadrawing ang coach ng strategies nila para maipanalo ang game. Nasa likuran ni eric si joseph, at isiniksik nito ang katawan para makalapit at marinig si coach. Dumikit ang pawisang katawan ni joseph kay eric at si eric naman, naramdaman ang bukol ni joseph. Hindi sya makapag concentrate sa sinasabi ni coach dahil ang mas binibigyan nya ng attention ay ang pag dampi ng bukol ni josephs a kanyang likurang hita. Nagulat sya nung inilagay ni joseph ang kamay sa bewang nito, at para bang mahinang pinisil.

Natapos na ang time out at tinawag na ang lahat ng players pabalik sa court. Tumigas ang titi ni eric sa naramdamang yun, at tila ba namuo ang libog nya para kay joseph. Huminga sya ng malalim para makilumatan ang eksenang yun na tila sya lang ang nagbibigay malisya.

“ayos lang tol?” sabi ni joseph habang sumabay kay eric pabalik sa court at inakbayan ito.
“ayos lang pre, sarap ng papawis” sagot ni eric na nag iinit sa tabi ng bagong pinag nanashan. “pucha naman, ano ba tong nararamdaman ko, puta ayoko kong maging bading!” sabi ni eric sa sarili.

Nag resume na ang game at lumamang na ang kalaban, 50-52 ang score. “Kailangan natin ng 3 points!” sigaw ni joseph habang dinidribble ang bola at naghahanap ng mapapasahan. Mga 30 seconds nalang at todo bantay ang defense ng kalaban. Nakita nya sa gilid si eric. “ERIC!” sigaw nya at ipinasa ang bola sa kanya. Napalundag si eric para makuha ang bola at dali dali nitong dinirible at bigla nyang pinakawalan ito para ma shoot. Malayo pa si eric sa ring, kaya natigilan ang lahat para matignan ang pag lipad ng bola. Tila bumagal ang takbo ng oras nay un at 5 seconds nalang ng swak ang pag pasok ng bola sa ring. Nagsigawan ang ibang nanunuod sa galak na nanalo ang team nila joseph. Habang nakatayo si eric sa loob ng court ay bigla sya niyakap joseph. Hinagkan sya nito. Ramdam na naman ni eric ang bukol ni joseph habang nilulundag lundag sya nito. Matagal ang pag yakap sa kanya ni joseph na para bang OA na kasi friendly game lang yun at hindi pang championship.

“sabi ko na nga ba ikaw ang anghel ko” sabi ni joseph.
“anu yun pre?” nagtakang naka ngiting tinanong ni eric.
“wala, sabi ko ikaw ang savior!” sagot ni joseph at hinampas ang pwet ni eric.
“haha may pahampas hampas kappa dyan ah!” sabi ni eric.
“gusto mo isa pa?” tanong ni joseph.
“gagu” tawang sagot ni eric.

Nag usap usap pa ang team nila at pinagpasyahan ng coach na isali na si eric. Natuwa naman ito sa balitang may pagkaka abalahan na sya at mawawala na sa isip nya si Francis. Umupo sa bandang gilid si eric at napaisip nab aka ito na ang paraan para tuluyan na ang pag layo nya kay francis. “sabagay, simula nung nag punta ako dito, hindi ko naisip si francis. Baka nga siguro dahil lang yun sa pagiging masyadong close namin at nakalimutan kong may social life pala ako at hindi lang puro sya na wala namang patutunguhan” naisip ni eric.

“mukang may iniisip ka ata eric ah!” sabi ni joseph na tumabi sa kanya.
“ah wala, naisip ko lang yung game” sagot nito.
“ang alin dun? Hehe” tanong ni joseph ng naka ngisi at wala paring t-shirt na suot.
“ang lahat dun!” sagot ni eric.
“pati yung ano…..?” tanong ulit ni joseph na naka ngiti.
“yung lahat ng yun!” sagot ni eric habang napagmasdan ang makahulog pangang smile ni joseph.
“hmmm.. nice.” Sagot ni joseph. “sya nga pala pre, anon a ba bago mong number? Yung dati parin ba?” tanong nya ulit.
“yun parin yun pre” sagot ni eric.
Kinuha ni joseph ang cellphone nya at tinignan ang contacts.

“eto pa ba?” ipinakita nya yun kay eric na mas lumapit pa at naka sa-id na ang dibdib sa likurang bahagi ng kaliwang shoulder ni eric.
“oo pre. Bakit magiging textmates ba tayo tol? Hahaha” tanong nya.
“haha text kita kapag kailangan mag papawis” sagot ni joseph.
“hahaha game ako dyan. Basketball ang tinutukoy mo diba? Tanong ni eric habang tumatawa.
“hahaha depende” sagot nito.
“hahah pre may mga chikas kaba dyan na pwede mong ereto sakin?” tanong ni eric na iniba ang usapan. (“gagu ko naman, masyado akong pakipot” sabi nya sa isip)
“kaw ha nahohorny ka no kaya nag hahanap ka ng babae” sagot ni joseph sabay kindat kay eric.
“hindi oi! Haha sige uwi nako, panu text text nalang pre” sabi ni eric.
“cge pre, ayos.”

Tumayo na ang dalawa at nagsipag uwian. Sa kabilang street si joseph nakatira kaya opposite directions ang pinuntahan nila. Napaisip si eric na kung bakit parang nalilibugan na sya sa lalake ngayon. Hindi nya mawari kung ano ang dahilan nito, “baka siguro dahil lang to sa parati kong pag mamariang palad at nagkataon pa na naiiba ang pananaw nya sa kaibigang si francis. “hindi, mawawala din ‘to.” Sabi nya sa sarili habang papalabas ng covered court.

Habang nasa labasan na sya ng covered court, napa tingin sya sa gilid at nakitang nakaparada dun ang sasakyan ni francis at nasa labas si francis nag yoyosi. Nagulat si eric sa nakita. Hindi nya inaasahan na makikita nya dun ang sasakyan ni francis, si francis mismo, at nag yoyosi pa na hindi naman nito ginagawa! Nag punta sya dun.

“Pre! Anung ginagawa mo dito?” tanong nya kay francis.
“kaya ka pala siguro hindi sumasagot sa texts at mga tawag ko kasi Masaya ka sa mga kaibigan mung yun. Close na close ata kayo ah no?” nakasimangot na tanong ni francis.
“ha? Pasensya na pre at hindi ko nakita ang telepono” defensive na sagot nito.
“kaya nga. Kaya nga hindi mo nakita kasi dun ang attensyon mo sa kanila” patuloy ni francis.

Tinignan ni eric ang telepono at nakita nyang may 22 text messages at 30 missed call.

“hindi ka naman mahilig mag txt at call pre no? hehe” biro nyang sabi kay francis.
“ah ganun, ayaw mo nap ala ako katext.” Galit na sagot nito.
“hindi ah, kit among naglaro ako ng basketball pre. Bat kaba nagagalit?”
“sana sinabi mong naglalaro ka at hindi na ako nag alala pa.” sabi ni francis.

Natigilan si eric sa narinig. Kumabog na naman ang dibdib nya, at napa isip na para silang mag jowa at nag aaway.

“haha para tayong mag jowa ah! Sorry na baby! Hahhaa” birong sagot ni eric.
“gagu. Lika na nga hatid na kita sa bahay nyo.” Aya ni francis.
“d na pre, maglalakad nalang ako, exercise pa.” sabi ni eric.
“bahala ka!” galit na sabi ni francis habang binuksan ang pintuan ng sasakyan, pumasok at ihihampas ang pagsarado nito.

Nagulat si eric at dali daling pumunta sa passengers side. Binuksan nya ang pintuan at pumasok.

“anong problema pre?” sabi ni eric kay francis.
“kanina kapa kasi!!”
“bakit anong nangyari kanina? Ano na naman ba ginawa ko, at para yatang may sumping ka!” sigaw na sabi ni eric.
“wag kang sumigaw! Kaninang umaga ang saya pa ng text natin, tapos bigla hindi kana sumasagot” sabi nito.
“eh anong problema dun pre? Hindi lang naman ikaw ang inaatupag ko eh, kailangan ko rin ng mga ganito” sagot nito.

Pinaandar ni francis ang kotse at nag drive. Hindi sya nag salita. Mabilis ang pagmamaneho nya sa mataong lugar nay un.

“andun ang bahay ko. Lagpas kana” sabi ni eric habang itinuro ang street papunta sa kanila.

Hindi parin sumagot si francis at patuloy na nag drive.

“dahan dahan naman pre, may mga bata sa kalsada oh!” utos nit okay francis.

Sige lang ang pagmamaneho ni francis, ng biglang tumunog ang celphone ni eric. May tumatawag – si joseph. Sinagot ito ni eric.

“pre napatawag ka”
“uy may number pala ako sayo” sabi ni josephs a kabilang linya.
“oo meron pre. Haha naka save na nuon pa.” sagot ni eric.
‘ayos, chiniek ko lang. san ka tol?” tanong ni joseph.
“may pupuntahan tol kasama ko kaibigan ko” sagot nito.
“ahh.. kaibigan ba o ka-ibigan?” pilyong tanong ni joseph.
“gagu sige na. maya nalang” sabi ni eric at pinutol na ang linya.

“mabilis kappa sa alas kwatro sumagot ah” mahinahon ng tanong ni francis.
“si joseph yun. Kasama ko sa basket.”
“kaya nga, kung sila mabilis kang sumagot, sakin, ni isa wala.”
“pasensya na talaga tol. Selos ba yan ? haha” sabi ni eric.
“uppercut gusto mo tol?” sagot nito.
“yan ngumiti kana kasi. Masyado kang suplado.”
“nakakainis ka kasi.” Sabi ni francis.
“eto na naman tayo. Anu ba talaga ang punto mo tol?” tanong ni eric.

Hindi pa sumagot si francis at lumiko ang sasakyan. Sa seawall pala ang punta nila. Medyo madilim na sa mga oras nayun at 6:30 pm na.

“o tol, bat kaba nagalit kanina?” tanong ulit ni eric.

Binigyan sya ng redhorse na nasa can ni francis. Uminom silang dalawa.

“eh bakit baa yaw mo akong sagutin kanina? Parang tanga na ako kakatext at tawag sayo. Kahit nga si Kristine hindi ko na makausap ng wasto dahil iniisip kita!’ sabi ni francis.

“bat mo naman ako iisipin tol? Ang dapat atupagin mo si Kristine at ang magiging anak nyo” sagot ni eric.

“ahh yun! Yun ang dahilan kasi iniisip mo na magkaka anak na ako” sabi ni francis.

“Masaya ng ako at magiging daddy ka na eh” sabi ni eric.

“Masaya ka pero kinakalimutan mo ako pag may kasama ka dun sa court.” Sabi ni francis.

“ano ba talaga ang punto mo tol. Hindi na kita maintindihan eh!” nagtatakang tanong ni eric.

“yun nga ang punto ko eh, sumagot ka naman pag tinatawagan kita!” sumigaw na si francis.

“pucha naman pre, e kaso nga hindi ko nakita! At isa pa, bakit ba big deal to, ano ba tayo ha? Mag syota ba tayo??!! Hindi naman diba? Wala ka namang pakialam sakin diba??” sabi ni eric.

“kasi nga naiinis ako tuwing iniignore mo ako! Kung wala akong paki alam sayo, hindi n asana ako nag aksaya ng panahong pumunta sa inyo at kausapin ng ganito.” Sabi ni francis.

“o kaya nga tol. Bakit ba ganito. Pinag lalaruan mo ata ang isip ko eh!” sabi ni eric.

“anung pinaglalaruan?” tanong ni francis.

Uminom ng uminom ng redhorse si eric. Inubos nya ang isang can, nag bukas ng isa pa it ininum lahat yun.

“pucha naman tol, tama na. wag mo akong pag laruan!” sabi ni eric habang may konting tama na sa beer.

“anung pinaglalaruan ang sinasabi mo pre??” tanong ni francis.

“yung eto, yung tayo. Ano ba meron tayo pre, at bakit kaba parati nasa isipan ko!” sabi ni eric.

“anung ibig mong sabihin tol?”

“manhid kaba pre??” tanong ni eric.

“manhid saan pre? Ano bang pinagsasasabi mo?” tanong ulit ni francis.

Kumuha ulit si eric ng redhorse, inunum, kumuha ng isa pa, at ininum din hanggang sa naubos.

“grabe ka tol. Yan ang sinasabi ko eh. Kung umasta ka para tayong may syota, pero sayo pala, wala lang. WALA LANG! putang ina!” sigaw na sabi ni eric.

“nakikinig ako tol” sabi ni francis.

“hindi mo na kailangan making pre! Ang dapat mong gawin, pakiramdaman! Pakiramdaman mo kung anu ang sinasabi nitong isip at damdamin ko! Pakiramdaman mo kung ano ang gusto nyang puso mo!” sabi ni eric.

“mahal mo ba ako pre?” tanong ni francis.

Natigilan si eric. Kinabahan, nanlamig ang mga kamay at para bang lumutang na wala ng maisip.

“anu pre, mahal mo ba ako?” tanong ni francis, habang sumindi ng yosi at nakatingin sa dagat.

Nagbuntong hininga si eric.

“hindi mo ba nararamdaman?” sabi ni eric

“pre… kasi..” sabi ni francis.

“kasi ano pre? Kasi kaibigan mo lang ako. At past time lang kung wala kang magawa, para hindi ka ma bore tuwing nag aantay ka kay Kristine at ako ang tinatawagan mo!”

“pre kasi..” sabi ni francis.

“pucha pre, alam ko, lalake ako pre, pero isa kang malaking hadlang sa pagiging lalaki ko pre! Putang ina pre, bakit ba naman ganyan.”

“pre hindi kasi ganun eh…” sabi ni francis.


ITUTULOY

No comments:

Post a Comment