Sunday, 7 August 2011

TEMPTATIONS: PARE KO




Nag simula ang kwentong ito sa pagtatagpo ng dalawang indibidwal na may ibat-ibang pinanggalingan, ibang perspective sa buhay, ibang pangarap pero iisa ang hangarin – ang maayos na gampanan ang kani kanilang mga gawain.

Unang araw ng trabaho at nagbihis na si Eric. Pomorma at nagpabango. Nagtungo na sya sa opisina dala dala ang pangarap na sana’y mapag igihan nya ang gagawin nya ng makapag ipon at guminhawa sa buhay. Wala sa isip ni Erick ang pag kakaibigan. Kung may dumating, mabuti, pero kung wala, ayos din naman. Ang tangi nya lang hangad ay magtagumpay at umunlad sa buhay na sisimulan nya sa batang edad na bente dos (22).

Unang araw din ng trabaho ni Francis. Nagbihis din sya, nag suot ng masikip na Polo shirt at itinuck in sa slocks nyang pantalon. Maalaga si Francis sa katawan, malinis sa mukha at sa buong pangangatawan. Pala kaibigan sya, may girlfriend na balak na nya pakasalan. Nagpunta na rin sya sa opisina bitbit ang ideyang makakahanap sya ng mga bagong mga kaibigan at makakakwentuhan sa trabaho. Happy go lucky ang kanyang aura at balak din mag seryoso sa buhay kasi naman sya ay bente kwatro (24) anyos na.

Nagmamadaling pumasok si Eric sa opisina dahil 15 minutes nalang at late na sya. Sa kanyang pagmamadali, may nakasalubong sya at nakabangaan sa loob ng building – si Francis yun na may taas na 5”8’, fit, Moreno, Semi-kalbo at suot ang Oakley Juliet na kulay blue. Mayaman ang dating.

“putsa pasensya na tol’” sabi ni Eric habang kinukuha ang mga nahulog nyang mga gamit.
“ayos lang. wag ka kasi mag madali tol’ “ sagot ni Francis na medyo inis.

Dali daling muli na tumayo si Eric at binilisan ang lakad papuntang elevator. Sa wakas ay nakarating din sya sa 27th floor. Duon kasi ang opisina nya at Orientation palang nila ngayon. 5 minutes pa bago mag simula ang kanilang office hours kaya naisipan ni Eric na kumuha muna ng kape sa pantry para hindi sya antukin. Isang cup ng mainit na brewed coffee ang tinimpla nya at dinala nya iyon sa lobby para duon na maghintay na papasukin sila sa orientation room ng building. Hindi nya masyadong tinigtignan ang dinadaanan nya sa pag stir ng kape nya kaya may nakabangga na naman sya at masama pa, natapunan ito ng mainit na kape sa dibdib.

          “wow naman tol’ ganyan kaba ka tanga?” sabi nung lalake nag alit habang dali daling pinupunasan ang polo shirt nya. Pag tingin nya nakita nya na yung mamang nakasalubong nya kanina sa baba ay sya ding natapunan nya ng kape. Nan laki ang mata ni Eric at hiyang hiya sa nangyari. Kinuha ang panyo sa bulsa at by instinct sinubukan nyang punasan din ang dibdib ni Francis.

          “pasensya na talaga tol hindi ko nakita. Pasensya na talaga” sabi nya habang namumula sa hiya na pilit pinapahiran ang dibdib ni Francis ng kapeng bumasa dito.
          “pare naman tumingin ka naman sa dina daanan mo. Kanina kapa eh” masungit nyang sabi habang pinigil ang pag pahid ni eric sa dibdib nya.
          ‘hindi ko talaga sinasadya tol. Hubarin ko nalang tong polo ko isuot mo nalang” suyo nya.
          “di na. mag ingat ka nalang”

Umalis ng mainit ang ulo ni Francis at nag punta sa waiting area ng opisina. Nagtungo narin dun si Eric na nakayuko at umupo sa bakanteng sofa sa likuran. May mga sampung tao ang nag hihintay dun, anim ang babae at apat silang lalake. Maya maya pa ay tinawag na sila ng isang babae na pumasok na sa silid. Nag sitayuan naman ang sampu at pumasok ng tahimik. Umupo sa bandang dulo ng mesa si eric at si francis naman ay na sa gitna. Opposite sides ang kinuha nilang upuan pero magkakatinginan din sila kasi oval shape ito at magkakadikit sila. Nagsimula na ang orientation at nagpakilala sila ng mga sarili. Nabanggit ng speaker na ang orientation nila ay magtatagal ng 2 months dahil nga may mga kailangan ituro at may mga simulations. Habang nakikinig sila sa speaker at napapatingin si Francis kay Eric. Si Eric ay may taas na 5’7” medyo fit din, maputi, makinis din ang balat, may itsura pero parang seryoso. Napag isip isip ni Francis nab aka anxious lang yung si eric kanina at nag kaka tanga tanga sa daanan. Nung break time, nagka salubong ulit ang dalawa.

“pare pasensya na talaga kanina ha.” Sabi ni eric.
“cge tol’ ayus na yun” ngumiting sinagot ni Francis. “ako nga pala ulit si francis.”
“Eric pare”
“gusto mo ng kape?” pang asar ni Francis.

Nagtawanan ang dalawa at sabay na nagpunta sa pantry para bumili ng makakain. Nagpatuloy pa ang orientation-seminar ng ilang araw at nagiging close ang bawat isa. Si eric naman tahimik lang palagi. Dedikado sa mga matutunan nya at siniseryoso ang trabaho. Isang araw, nahuli ni eric na nakatingin sa kanya si francis sa kabilang dulo. Tumango lang ito ang ngumiti. Sabay naman ang pag talikod muli ni Francis na umanoy guilty sa pagtitig kay eric.

Nagpatuloy pa ang mga araw at nahuhuli parin ni eric na nakatingin si francis sa kanya. Sabay silang kumakain tuwing break at minsan ay nagtatabi din sa upuan. Mukhang nagiging close ang dalawa, considering na iba ang pananaw nila sa buhay.

“pre anong number mo?” tanong ni eric kay eric.
 “0917300----“ sagot nito.
“ah buti globe ka din.”
 “may sun kaba?” tanong ni francis.
 “oo meron pero di ko masyadong ginagamit at walang load”
“ayos lang akin na number mo”
“09226751438” bigay nito.
“cge ayos, text text kapag may tanung pare” sabi ni francis at ngumiti.
“ayos pre”

Nag daan pa ang mga araw at nagiging mas close ang dalawa. Nag kaka ayaan gumimik, kumain sa labas. Nag tetxt paminsan minsan at nagtatawagan. Sila parati ang magkasama sa opisina. Lumipas ang ilang buwan at nag resign si Eric na walang pasabi kay Francis.

“oh tol bat nag resign ka?” text ni francis.
masyado kasi akong nahihirapan sa trabaho tol eh” sagot nito
“bakit naman? Akala ko ba gusto mong maka ipon habang maaga pa?”
“sa susunod nalang siguro, iba naman kasi talaga propesyon ko eh. Gusto kong mag turo nalang”
“ganun ba.. muka yatang nag palit tayo ng pwesto at ikaw na ang happy go lucky ah” patuloy na txt ni francis.
“haha hindi kaw parin yun. Mayaman ka eh!” sagot nito.
“hindi ah! Kailangan ko din nga mag ipon para sa kasal namin ni Kristine” sabi ni Francis.
“iimbitahan mo ba ako sa kasal nyo?
“oo naman, ikaw pa! malakas ka sa’kin eh”
“kakahiya naman. Mga sosyal ang mga kaibigan mo eh, di ako bagay dun”
“loko, d ah, d bale pag naka tym sama ka sa mga tropa ko” sagot ni francis.

Nagdaan pa ang mga araw at wala na silang kumunikasyon, subalit sa hindi malamang rason ni eric, patuloy nyang naiisip si Francis kayat patuloy nya itong tinitext.

“pre musta na?” txt ni eric.
“ayos naman pre. Ikaw?
“ayos din naman. Kakamiss pala ang ofis”
“ikaw kasi eh! D tuloy natupad planu nating mang chicks” sabi ni francis.
“haha itutuloy natin yun, pero videographer nyo ako habang nag haharutan kayo at ibablackmail kita” biro ni eric.
“haha gago. Tayo ang mag sesex” sagot ni francis.
‘ANU?? Hahaha gago ka ata eh”
“haha biro lang, ikaw ang bilis mong labasan”
“hahaha panu mo nalamang mabilis akong labasan ha?” tanong ni eric
“d ko alam. Iprove mong matagal”
“pano?”
“hahah ewan ko. Sige pre, txt txt nalang may gagawin pa ako eh” sabi ni francis.

Nagpatuloy na ang pag uusap ng dalawa araw araw. Parating tumatawag si Francis kay eric, pero ang pinag uusapan lang naman nila ay mga babae. Ang hindi lang mapaliwanag ni Eric ay kung bakit simula pagka gising ni francis ay sya namang umpisa ng pag uusap nila hanggang kinagabihan at pag tulog.

“pre, musta na dyan? Nag resign na ako” txt ni francis.
“kelan lang? at bakit?”
“kanina. Malungkot na sa office eh. Kaw kasi iniwan mo ako”
“haha baka magpapakasal kana?” sabi ni eric
“hindi pa. para ngang hihiwalayan ko na si Kristine eh, masyadong selosa”
“kaw kasi cguro puro chicks ang inaatupag mo at d ka nag sishare!” sagot ni eroc
“haha d ah, good boy ata to. Ikaw ang pinag seselosan. Para ngang baliw eh” sabi ni francis.
“hahahha bakit naman? Paki sabi kay Kristine hindi tayo talo! Anu bayan” natawang sagot ni eric.
“kaya nga eh, ang hirap ng mga babae talaga”
“suyuin mo nalang pre, bibigay din yan” payo ni eric.
“kape tayo. Sunduin kita” aya ni francis
“cge ditto lang ako sa bahay”

Ilang araw pa ang nag daan at patuloy lang ang pag uusap, pag kikita ng dalawa. Hindi nilang dalawa maisip na kung bakit parang kulang ang araw kung hindi sila mag uusap o magkikita. Nababaliw si eric kung hindi maka reply agad si francis, at concerned naman si francis kung hindi sumasagot sa tawag si eric. Paminsan minsan ay nag kakatampuhan ang dalawa-- Madalas si eric. Kapag nangyayari yun ay suyo naman itong si francis. Parang mag syota silang dalawa. Ang kina ibahan lang, wala silang pinag uusapang ganun. Puro si francis nalang ang nasa isip ni eric, at hindi nya alam kung ganun din ba si francis.

“ano ba tong nararamdaman ko. Hindi na ata to normal” sabi ni eric sa sarili. “may magkaibagan ba na araw gabi ay nag uusap, nagpapakiramdaman, nag hahatid sundo?” patuloy nyang kausap sa sarili. “baka mahal ko na sya, pero hindi dapat. Mali ito, at mapapahiya ako. Mas importante sa akin ang pagiging magkaibigan namin.” Patuloy nyang pag iisip. “lalake ako. Hindi pwede to. Kailangan hindi na ako kokontak sa kanya” payo nya sa sarili. Nag patuloy ang dilemma ni eric sa mga sumunod pang mga buwan. Wala syang guts na tanungin si francis kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Paminsan minsan ay nagkakasabay silang mag hapunan sa labas kasama si Kristine. Hindi mapag tanto ni eric kung ano ang kanyang nagiging mga reaksyon tuwing mangyayari yun. Nag seselos na nga si eric, pero pinipigilan nya ang emosyon sa takot na mabansagan syang bading, at mawala pa si francis. Naiiyak si eric tuwing maiisip nya yun, bilanggo sya sa damdamin nya para sa kaibigan nya at ang masama, hindi nya mailabas yun. Hindi kasi tama at lalake silang dalawa, dagdag pa, may girlfriend ang isa. Pero nagtatalo sa isip nya kung bakit espesyal ang turingan nilang dalawa. Espesyal ang pag alaga sa kanya ni francis. “Talaga bang ganun lang ang ugali nya?” tanong nya sa sarili. Hindi nya mawari kung totoo ba ang na-iisip nyang may pagtinginan silang dalwa o sadya lang na syang nag aasume sa mga bagay bagay. Masakit iyon para kay eric. Pero kailangan nyang panindigan na lalake sya at hindi tamang mainlove sa kapwa, lalo nat sa kainigan nya.

“pre may sasabihin ako sayo” txt ni francis. Kinabahan si Eric pagkabasa nya yun. Nanlamig ang kanyang mga kamay at baka mag tatapat na ang kaibigan nya.
“ano yun?” sagot nyang kaagad at binantayan ang telepono sa magiging text ni francis. Pagka tunog nang telepono, dali dali nya yung binuksan, nagulat sya, nanghina at na blangko ang isip sa nabasa:

“buntis si kristine pre :)”


ITUTULOY




No comments:

Post a Comment